
John Vincent Muella
Happy Valentine's Day Vincent! ❤
ps : grabe! pang-ilang ulit ko na 'to hahaha! nawawala kasi bigla e takte. anyways, sana magustuhan mo 😊
Our first conversation! ❤
Nung una kang nag chat sa'kin way back 2015, malungkot ako that time di ko matandaan anong dahilan. Nagulat ako nang bigla kang sumulpot, nasa isip ko nun "Ay wow. Siguro binigay 'to ni Lord para pagaanin loob ko." Pero alam mo ba natatakot ako sa'yo nun kasi di kita kilala. Pero nung narinig ko boses mo, para kang anghel na kumakanta. Tapos lagi na kita nakikita sa school. Nakikita na din kita dati kaso di pa kita kilala nun. Sana pala noon palang pinakilala ko na sarili ko sa'yo 'no? Pero that time, nasa maling tao pa 'ko. Dun sa taong sinaktan ako. Ahhh! Basta! Nakwento ko na sa'yo 'yun e. Kaso lang, biglang natapos conversation natin agad. 😌
Our First picture together!
#Intramurals2k19
Kailangan namin mag vlog para sa English. Kailangan namin ipakita kung ano ganap sa Itrams. Sabi ko nun sa kaibigan ko, "Hanapin natin si crush." tapos sakto nandun ka malapit sa clinic. Vinideohan kita agad, wala ng hiya hiya haha. Sabi ko "Anong nararamdaman mo ngayon?" tapos ang sabi mo "Kung ano nararamdaman mo." Sabi ko nun sa isip ko "Edi crush mo rin ako kasi 'yun nararamdaman ko e." tapos hiyang hiya ka sa camera tawa ka ng tawa. Tapos ayun na! Hahaha! Tapos nakita ka ni Nalds, sabi niya "Oy belen ano ngang pangalan non?" Sabi ko "Ah. Si Muella, bakit?" sagot niya "Gusto ko magpa picture tatawagin ko haha." tinatawag ka niya kaso di mo naririnig. Biglang sabi niya "Ikaw nga try mo tawagin baka sakaling lumingon." edi tinawag kita tapos isang tawag palang ng MUELLAAAAAA tingin ka na agad. Tapos biglang nag form kamay mo ng picture. Sabi ni Nalds picture daw kami sa'yo pero sabi ko nun sa'yo "Papicture daw siya." Pero 'yung totoo gustong gusto ko din. Tapos nag pa picture ako kaso lang peste ka! Kinilig ako nung inakbayan mo 'ko kaya ganyan itsura ko! 😂 tapos ayun, inedit ko agad tapos pinagmalaki ko sa lahat. Sinend ko pa nga sa gc ng section namin basta sa lahat HAHAHAHA! Natuwa kasi ako ng sobra.
Nakakahiyaaaaaaa!!
Ito 'yung araw na lalaban ako sa Munisipyo. Sobrang kinakabahan ako kasi nandyan ka na. Baliktad 'no? lemme explain my side hahaha! Kasi ganto, dati nung lumaban ako wala ka naman para i cheer ako pero nananalo ako. Pero kung kailan dumating ka na para suportahan naman ako dun pa 'ko matatalo. Siguro kaya nagka ganun kasi na pressure ako na "Ayokong mapahiya kay Muella! 😭" hanggang sa hindi ko na nga nagawa ng tama. Dapat papasok pa 'ko niyan kaso lang maga na mata ko haha. Nahihiya din ako magpakita sa'yo. Hindi ako umiyak kasi talo ako, umiyak ako kasi nahihiya ako sa'yo. Hindi ko alam tumatakbo sa isip mo. Kaya ganon. Pero salamat ah? Kasi kahit natalo ako, ramdam ko pa rin 'yung suporta mo sa'kin that time. Kung ano ka nung una, ganun pa rin sa huli. Kaya super thankful talaga 'ko sa'yo!
Sir Joeart grrrr

Ito naman 'yung araw na pinagawa kami ni Sir Joeart ng ganyan. Di ko matandaan tawag dyan e haha. Di ko alam bat ikaw unang pumasok sa isip ko that time. Ikaw 'yung maayos dyan the rest puro kalokohan na pangalan ng mga kaibigan ko HAHAHA. Tapos pagka submit ko kay Sir Joeart, nagkatinginan kami. Alam mo 'yung parang sinasabi niya? "Ehem! Bat nandito si Muella?" ganyan. Tapos nag smile nalang ako sa kanya. Di ko alam bat nainis ako bigla sakanya siguro dahil dun sa nakwento mo na pinag gagawa niya sa'yo. I know, I don't have the rights na magselos pero kasi e nakakaselos HAHAHAHA lalo na dun sa magagandang may gusto sa'yo. Nakakainggit kasi magaganda at mapuputi sila samantalang ako ETO LANG. kbye
I miss you!!

Ito naman 'yung araw na hindi ka nagpaparamdam. Kahit katabi ko mga kaklase ko, wala akong pakielam. Basta ang gusto ko ma stalk kita kahit sa Google manlang haha. Tapos natuwa ako may throwback pics ka. Nakakalungkot kasi di ko alam anong nangyari sa'yo. Tapos bigla kang nag chat kanina. Tapos sinabi mo "Hanggang dito lang tayo.." Sinabi mo na 'yan dati pero ayaw pa rin mag sink in sa utak ko e. Di ko alam bat gusto pa rin kita. Okay lang naman, kaya wala ka dapat ika sorry. Kasi ako naman may gusto nito, ako gumagawa ng dahilan para masaktan sarili ko haha. Kasalanan ko kasi patuloy pa rin kitang ginugusto kahit na alam ko na sa una palang talo na 'ko agad, talo, wala ng laban.
Our first and last videocall.

Ito naman 'yung first videocall natin haha. Lasing na 'ko dyan kaya malakas loob ko na makipag-usap sa'yo haha. Kasi never ako nakipag videocall sa iba swear to God. Maski mga kaibigan ko, hindi ko nakaka videocall. Panget na panget kasi ako sa sarili ko HAHAHA. Malungkot din ako that time kasi may sakit ka, di kita pwede alagaan kasi anong papel ko sa'yo diba? Djk haha. Mabagal pa wifi ng kaibigan ko kaya nagpaload ako 50 kaso ambagal din. Pero atleast nakausap kita kahit papano hehe. First videocall natin 'yan pero 'yan na din ata ang Last. Kasi alam ko na pagtapos nito, mahihiya na 'ko sa'yo ng bongga! HAHAHA! Pero sana hindi ka magbago. Sana kung ano 'yung Vincent na nakilala ko, ganun pa rin sa huli hehe.
Thank you sa lahat! Thank you ng sobra sobra! Lalo na nung magkasama tayo ng parade. Masaya 'ko ng sobra nun kasi 1st parade ko 'yun tapos kasama kita. Tapos na experience ko pa tumakas at tumakbo kasama ka. Maglaro at mag videoke kasama ka. Bonus pa na nakilala ko mga kaibigan mo. Thank you kasi napasaya mo 'ko ng sobra. Hays! Kakaiyak hahahahah! Bawal na ba maulit 'yun? Tayong dalawa naman haha kidding! Alam mo bang tinatamad na 'ko magpapasok at mag-aral kasi nakakatamad naman na talaga pero nung dumating ka ginanahan na 'ko ulit. Lagi na ulit akong masaya, nagkaroon ako ng dahilan para magpapasok HAHAHAHA! (lalo na napaka supportive ng mga kaibigan ko, nako kung alam mo lang.) Gustong gusto ko kapag tinatawag mo 'kong Nobel. Ikaw lang kasi 'yung lalaki na natawag sa'kin niyan sa school. Ang komportable ko kapag kausap kita, tipong walang hesitations na magsabi sa'yo ng kahit ano kasi alam ko "HUMBLE LANG" sabi mo nga HAHAHAHAHA. Sorry ah? Sorry kung kinukulit kita lagi, wala lang. Ang cute mo kasi sobra eh! Happy Valentine's Day ulit Vincent! Gagala ako mamaya mag-isa hays wala ka kasi e. Ayun lang! Goodmornighttttttt! ❤


